Empty Box Naging Gift Box

Empty Box Naging Gift Box

Habang kami po ay nag-aayos ng laman loob sa 2nd floor ay napansin ko po ang mga empty box na pinaglagyan ng mga items ng Barsons Enterprise. Naitabi pala ni ASE Mark ang mga empty box na ito. Baka mawala sa aming laman loob at imbes na itapon ay nilagyan ko po ito ng price na 5.00 para gawing gift box. Nakakatuwa dahil nabibili rin naman po ito.
Ngayong araw naman po ay bumubuo po ako ng suggested gift para sa Christmas season. Naisip ko rin pong gamitin ang mga empty box na ito. Malaking tulong po ito, dahil nabawasan na po yung tambak sa laman loob at nagamit pa po ang box para mas maging maganda ang ating suggested gift.